Kagabi, ang super saya ko to the nth maximum level. Hyper mode ito. The reason? Simple lang… binigyan ako ng ka-officemate ko ng kopya noong song ni Michael Buble na “Haven’t Met You Yet”. I so love that song right now!
    Actually, dalawa yung song na binigay niya sa akin. ‘Yung isa ay “the man who can’t be moved” na saksakan ng emo. Tungkol ito sa isang guy na nagpaka-bum kasi nagkahiwalay sila noong mahal niya. Umaasa siya na maawa sa kanya yung girl at balikan siya. Haler?! Kapag ba naging bum ang ex-boyfriend mo, babalikan mo?! Nairita lang ako dun sa guy. Fine, fine… endless love ang meron ka, pero magtrabaho ka… Girls generally don’t find idiocy attractive.
    Anyway, pagkatapos ko pakinggan yung song na yun, tinanong ko ung friend ko kung meron nga siya noong “Haven’t Met You Yet” ni Michael Buble. Champion! Isang box! Meron! Kaya hayun… noong nakuha ko yung song, waging-wagi na ang araw ko.
    Pag-uwi ko, nandun na ang aking oh-so-fun roomie na si Ate Rovy. Kung gaano ako kasaya, ganun naman siya kalungkot. Noong Saturday pa siya malungkot kasi nag-short circuit yung adapter ng laptop niya kaya hindi niya matake-advantage ang libreng wifi sa apartment namin. Kahit anong gawin ko para pasayahin siya, wa epek. Panahon daw para mag-grieve para dun sa adapter. Kaya dapat malungkot. Nag-quote pa ng Bible verse! “There’s a time for everything…” ng Ecclesiastes. Ang saya-saya!
    So anyway, kagabi, dahil hyper ako, I totally ignored her misery. After we greeted each other ‘hello’, plug ko na ung phone ko sa speaker sabay play noong aking theme song for upcoming Valentine’s Day. With a happy happy face, tumingin ako sa kanya, sabay sabing “Ate Rovy! Pakinggan mo ‘to. Alavet!”
    Natuwa naman siya sa upbeat na intro noong song. Noong narinig niya yung lyrics ng chorus, na-gets na niya kung bakit gustong-gusto ko yung song.
    “Ay… parang yung binasa mo sa akin na sulat mo…” wika ni Ate Rovy.
    Napangiti ako. Tuwing Valentines kasi (starting last year… haha), I write a love letter to the guy kahit na I haven’t met him yet. That’s kinda freaky and pathetic. But whatever. Walang basagan ng trip.
    So anyway, yun… Here are some of the lines dun sa song that I so totally enjoy:

    And I know that we can be so amazing
    And being in your life is gonna change me
    And now I can see every single possibility
    Mmmm… (<< talagang dapat kasama 'yang line na 'yan!)
    And someday I know it’ll all turn out
    And I’ll work to work it out
    Promise you, kid, I’ll give so much more than I get
    I just haven’t met you yet!

    Oha! If you’re a single person (especially if you’re a girl), don’t tell me na hindi ka naka-relate. Hindi nga? Eh ano ngayon?! Ako naka-relate! Kapeesh?!
    Au revoir!

    Follow On:

    Joanna Alonzo

    Author/Founder at Almond Tree Publications
    Joanna Alonzo is a walking paradox. She is a beautiful, albeit messy, mixture of thought and emotion, expressed in the form of hopefully readable – and relatable – stories. She is a kingdom kid, who looks forward to being a writer and storyteller even when she reaches heaven. She is passionate about the unreached, about those who have yet to know the Love she found in the arms of the Almighty. She is intrigued by the world and its people, who day by day, continue to convince her that God is the greatest Storyteller of all.
    Follow On:

2 Comments on "I Haven’t Met You Yet"

Leave a Reply

Sort by:   newest | oldest | most voted
glentot
Guest

At dahil paborito ko ang Man Who Can't Be Moved idedefend ko sya hiihihi hindi naman sya bum in fact he said “I'm not broke, I'm just a broken-hearted man…” Wahahahahaha lavet!

Joanna
Guest

yeah… yeah… whatever.

Kapag hindi xa magtino-tino at ituloy niya ang pagcacamping niya sa kalsada, yun din ang kahihinatnan niya… broke.

Besides, di kailangan maging broke para maging bum. 😉

wpDiscuz
%d bloggers like this: