One thing I find really annoying about some people is when they keep on talking about what they’re good at, their accomplishments, anything to let you know that they are God’s gift on earth and that the world will absolutely crumble into pieces had they not come in to save the day.
    Naiirita talaga ako sa mga ganoong tao. Yung tipong when you meet in the morning, the first part of your conversation will mostly be about what he has done so far at kung gano siya kagaling kasi niligtas niya ang mundo sa pamamagitan ng pag-solve noong super-mega-bug na sa opinion ko naman ay kayang i-solve ng halos lahat ng ka-batch ko sa college.
    Sila yung mga tipo ng tao na hindi magpapatalo. May pang-tapat sila sa lahat ng accomplishments mo. ‘Pag nagkwento ka about a poem you wrote, sila din manunulat at masterpiece ang kanilang sinulat. ‘Pag nagkwento ka about an experience you had, sila din may ganung experience na at 5000X better than yours! ‘Pag tumalon ka, masmataas ang talon nila. ‘Pag umiyak ka, masmarami silang luha. ‘Pag tumawa ka, masmalakas ang halakhak nila. ‘Pag sinabi mong may alaga kang pusa, huwag ka… pugad ng mga pusa ang bahay nila.
    Nakakainis. Even more annoying than that is ‘pag ‘di sila makahanap ng way para malamangan ka, they will undermine your accomplishments. Palalabasin nilang it doesn’t matter.
    Ang pinaka-annoying sa lahat is ‘yung ‘pag nakilala mo na ng masmabuti, marerealize mo na in a lot of ways, puro hangin lang siya. Wala naman talagang binatbat.
    I’ve met and am friends with arrogant people, but they can back their arrogance up with their actions, skills and talents. They’re not just insecure empty drums banging as loud as they can for all they’re worth.

    oOo

    *Hingang malalim.* Ang totoo ay naiinis ako ngayon kasi ayokong mainis. Naiinis ako ngayon kasi na-realize ko na hindi pa rin ako ganoon ka-gracious toward other people. Naiinis ako na there are times na ako yung tao na dinescribe ko sa taas at tinanggap ako ni God as I was. So bakit hindi ko matanggap yung mga kinaiinisan ko? Kasi nakakainis sila.
    At dahil naiinis ako, ako ang talo. Kainis. >.<

    oOo

    To solve my dilemma, nag-google ako… “biblical way to handle annoyance”. This is what I found:

    A fool shows his annoyance at once, but a prudent man overlooks an insult.
    – Proverbs 12:16

    I’m such a fool. Lord, have mercy on me. This is another situation where I find myself depending on His grace.
    Nakakapagod kayang mainis…

    Follow On:

    Joanna Alonzo

    Author/Founder at Almond Tree Publications
    Joanna Alonzo is a walking paradox. She is a beautiful, albeit messy, mixture of thought and emotion, expressed in the form of hopefully readable – and relatable – stories. She is a kingdom kid, who looks forward to being a writer and storyteller even when she reaches heaven. She is passionate about the unreached, about those who have yet to know the Love she found in the arms of the Almighty. She is intrigued by the world and its people, who day by day, continue to convince her that God is the greatest Storyteller of all.
    Follow On:

2 Comments on "Kainis!"

Notify of
avatar
Sort by:   newest | oldest
glentot
Guest

Are you talking about me 🙁

Hahaha. I loved this line:

“Pag umiyak ka, masmarami silang luha.”

Marami talagang ganyan, school, office, jeep, MRT, elevator…etc.

Joanna
Guest

nahahawa ka sa paranoia ko? haha… hindi noh… i'm talking about idiots… you're not an idiot, are you?

Yep… we're surrounded!!!

wpDiscuz
%d bloggers like this: