Last year, tahimik ang December ko. Wala masyadong ginagawa. Sa sobrang kawalan ng gagawin, pinag-“strongly encouraged” leave pa nga kami ng bonggang bongga. Three weeks straight ang VL ko noon… hindi pa binawas yung 3-week leave na yun sa VL credits ko noong nag-layoff ang company namin by January. In short, chillax lang talaga…
    “Chillax” would be the last word on my mind to describe this year’s December, but before I rant about that… let me start from the beginning…

    oOo

    I was able to prove this year that the following quote is indeed true: “If you’re faithful in small things, God will trust you with bigger things.”
    When this year started, ang involvement ko lang sa church is yung “Wednesday Group” namin (which I sooooooo miss now) and yung naging personal commitment ko kay God to join the Friday prayer meetings and night watches. As much as I was able, I stuck with those commitments and was blessed by them.
    At around January, pinagprapray ko pa lang kung magrerecommit ako sa worship team. Parang ayoko kasi I have (or had) serious stage fright. Put me in front of a bunch people I don’t know and make me sing or perform or whatever and I will shake uncontrollably and it will reflect sa voice ko. Not a very good way to sing songs to God. Kaya kahit nagkaroon na ako ng word from God (confirmed by impressions from both my dad and aunt) na mag-commit sa worship team, hindi ako sumunod until around April or May. Napagsabihan kasi ako ng tita ko. “Delayed obedience is disobedience.”
    Takot ko lang kay God ‘pag ‘di pa ako sumunod.
    So hayun… By the end of summer, I was involved in 3 different commitments sa church: My Wednesday Group, Friday Prayer Meetings, and Probee ako sa Worship Team (a.k.a. saling pusa).
    I was aware naman na hindi magstostop dun yung service ko kay God. Hindi ko lang inakala na ganito kabilis manganganak yung mga commitments ko.

    oOo

    I started having discipleship sessions with my Tita Alice. Tinutukan niya talaga ako. Lahat ng questions ko about God and ministry and Christianity I was able to open up to her. I really grew up spiritually during these sessions at naging preparation siya sa akin for the things that are to come.
    I really needed the preparation, because before I knew it, 6 out the 7 days in the week, may commitment na ako sa church.

    Tuesdays: YC Core Meeting. Pano ba ako na-involve dito? Ang mga catalyst nito ay ang involvement ko sa Prayer Meeting, Worship Team, Discipleship Trainings with Tita Alice, at Ako Ay Pilipino. Prayer Meeting kasi natapat ako sa night watch ng KE that I actually belonged to – Pandacan. When I first came here to Manila, parang ‘di malaman ng CLSF (my church) kung saang KE ako i-aassign. Nakatira ako sa Pandacan area, pero sumasama ako sa cell group ng Mandaluyong, tapos dun nga sa Wednesday group na cell group ng mga walang cell group. Anyway yun… through the prayer watches, naka-close ko ang mga taga-KE ng Pandacan at Tondo. Sa prayer watch ko din na-meet si Ate Aires, who eventually encouraged me to join the YC team. Worship Team kasi my first YC involvement was as a backup singer dun sa worship noong YC na walang theme. Discipleship Trainings with Tita Alice kasi dun talaga ako nagkaroon ng heart for the youth, at si Tita Alice din ang nag-encourage sa akin to commit to YC. Matagal din na namemention sa akin both ni Tita Alice and Ate Aires na sumama na ako dun sa Tuesday meetings. Humihindi ako kasi wala naman ako talagang involvement sa youth. Ako Ay Pilipino dahil one Tuesday, I was at the IFP office, writing an article for AAP, ‘pag labas ko kinulit na ako ni Ate Aires and Kuya Jhops to sit in on the meeting. So I did. After that, pinag-pray ko na talaga kung dapat ba ako mag-commit. God assured me naman. So yun. That’s how I got involved in YC.
    Wednesdays: Pandacan KE Meeting. Hetong commitment na ‘to anak ng commitment ko sa YC at sa Prayer Meeting. Ito rin ang rason kaya ko binitawan (sadly) yung Wednesday Group commitment ko. Before I committed to YC kasi, minake sure ko muna na ok ito sa KE Pastor naming na si Tito Arman. How can I represent Pandacan sa YC kung hindi naman ako involved sa Pandacan? So yun… I was asked to attend the Wednesday Pandacan KE Meetings. Mukhang manganganak ng greater responsibility itong commitment na ‘to. Waiting for updates and praying about it pa.
    Thursdays: Worship Team Cell Group/Practice. On and off ito. Minsan meron, minsan wala. Depende sa text ni Kuya Itan kung tuloy o hindi. Pero obviously, off-shoot ito ng commitment ko sa Worship Team.
    Fridays: Prayer Meeting & Night Watch. For a time, nawala yung pagiging faithful ko sa pag-attend ng mga event na ito. Pero isa sa mga na-impress talaga sa heart ko during the last NPG is to re-commit to this. Hindi pwedeng mawala ito. Na-prove ko na na kulang talaga ang week ko ‘pag hindi ko nagawa ito.
    Saturdays: Worship Team Training/Practice and other Miscellaneous Events. A basta… maraming nangyayari ‘pag Sabado. Pramis.
    Sundays: Syempre Sunday Service at kung ano-anong event chorva after ng church. Typically, afternoons ng Sunday nangyayari yung mga discipleship training ko with my tita.
    So that leaves my Mondays available. Nakakapag-rest ba ako on Mondays? Of course not. Kailangan ko maglaba. Hindi nalalabhan ng kusa ung mga damit ko.
    oOo

    So why did I bring all this up? Ganito kasi yun… I need to learn to prioritize. To be able to tell kung alin sa mga yan yung talagang pinapagawa sa akin ni God at kung alin yung mga hindi ko naman kailangan gawin. Naisip ko lang ‘yon kasi na-frustrate ako kagabi because I feel like I made the wrong choice. I didn’t prioritize the right thing.
    Celebration dinner kasi ng Ako Ay Pilipino for the successful launching noong book namin. Since Wednesday kahapon, it conflicted with my KE meeting. I had to make a choice. I chose AAP. ‘Di ko rin na-enjoy kasi supposedly, priority ko ung commitment ko sa Pandacan.
    Anyways, prayer item talaga siya sa akin ngayon. What are my priorities? Alin yung mga pwedeng huwag ko na gawin?
    Huwag na lang kaya ako maglaba forever…

    Follow On:

    Joanna Alonzo

    Author/Founder at Almond Tree Publications
    Joanna Alonzo is a walking paradox. She is a beautiful, albeit messy, mixture of thought and emotion, expressed in the form of hopefully readable – and relatable – stories. She is a kingdom kid, who looks forward to being a writer and storyteller even when she reaches heaven. She is passionate about the unreached, about those who have yet to know the Love she found in the arms of the Almighty. She is intrigued by the world and its people, who day by day, continue to convince her that God is the greatest Storyteller of all.
    Follow On:

5 Comments on "Prioritizing… Not!"

Leave a Reply

Sort by:   newest | oldest | most voted
Myk
Guest

Are you referring to this same Ako Ay Pilipino?

glentot
Guest

Natawa ako sa paglaba moments mo, oo nga naman hindi sila magically malalabhan… magpalaundry ka na kasi.

And you mentioned the book, and I'm ready to buy!!! Where is my copy???

Joanna
Guest
@Myk: Can't access the link from work. But if the link has anything to do with David and Lorna Joannes and the Ako Ay Pilipino: Noon at Ngayon book, then yes… that's the same AAP I'm referring to. @glentot: Glenn!!!!!!! Ang tagal kasi noong laundry sa amin eh… 🙁 Pero mukhang kailangan ko na ngang magpa-laundry. Hayz…I have a copy for you na. It's a question of kailan tayo pde magkita so I can hand it over to you. The book is 500 for yuppies, 450 for studes. You can also get it packaged with the AAP shirt for 595.… Read more »
Myk
Guest

Don't know those people, but judging from the prices and package you mentioned, yeah, I think we're talking about the same AAP. Cool! I wrote for the coffee table book, too. Haven't gotten a copy yet, though.

Joanna
Guest

Whoa… really? Have you seen a copy? You should get a free copy if your article was included. I'll mention it to the team. 🙂

How'd you end up writing for AAP?

wpDiscuz
%d bloggers like this: